Dakong alas-9:45 ng umaga ng lumabas at pangunahan ni Pangulong Arroyo ang kanyang partido ng paghahain ng COC mula sa pinagpulungang Plaza Roma sa Intramuros, Maynila.
Kabilang sa 11 mga kandidatong senador ng administrasyon ay sina re-electionist Senators Rodolfo Biazon, Robert Barbers, Robert Jaworski at John Osmeña; Pia Cayetano, anak ng yumaong Sen. Rene Cayetano; dating Defense Sec. Orlando Mercado, dating DTI Sec. Mar Roxas, Tourism Sec. Richard Gordon, dating VRB Chairman Bong Revilla, Pampanga Gov. Lito Lapid at ARMM Gov. Farouk Hussin.
Inireserba naman ang pang-12 kandidato base sa kahilingan ni dating Sen. Miriam Defensor-Santiago habang hindi pa nakakapagpasya kung sasali sa senatorial slate ng administrasyon.
Nabatid na nalaglag sa line-up ng Lakas ang unang lumutang na sina Bulacan Gov. Roberto Pagdanganan at dating Sen. Heherson Alvarez.
Sa record ng Comelec, pang-57 si Pangulong Arroyo sa mga presidentiables na nag-file ng COC habang ang kabuuang bilang ng mga kakandidato sa pagka-bise presidente ay 17 at 67 sa pagka-senador. (Ulat nina Lilia Tolentino/Ellen Fernando)