Nominasyon ng oposisyon tinangap na ni FPJ
December 23, 2003 | 12:00am
Pormal nang tinanggap kahapon ni action king Fernando Poe Jr. ang nominasyon ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) upang maging standard bearer ng oposisyon sa 2004 presidential elections.
"Ako si Fernando Poe Jr. ay buong pagpapakumbabang kinikilala at tinatanggap na maging presidential standard bearer ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino," simpleng pahayag ni FPJ sa isang press conference sa Westin Philippine Plaza Hotel.
Sa susunod na linggo ay ihahayag ni FPJ ang kanyang magiging running mate kasabay ng kanyang senatorial line up pati na ang kanyang platform of government na kasalukuyang pinag-aaralan pa ng kanyang advisers upang maging "achievable" ito.
Kabilang sa kanyang pinagpipiliang makatambal sina Senators Loren Legarda, Aquilino Pimentel, Gringo Honasan at dating Sen. Miriam-Defensor-Santiago.
Hindi naman nagbigay ng pahayag si Senador Panfilo Lacson hinggil sa ginawang pagkagat ni FPJ sa nominasyon sa kanya ng KNP. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended