Commonwealth Ave., no. 1 'killer road'
December 11, 2003 | 12:00am
Tinawag na number 1 killer road sa bansa ng isang kongresista ang Commonwealth Avenue.
Sinabi ni Pangasinan Rep. Generoso DC Tulagan batay sa talaan ng pulisya, sa average na 3,000 vehicular accidens kada taon, kung saan 30-40% ay kinokonsiderang fatal ay nangyari sa 8-lane ng Commonwealth Avenue.
Nangangahulugan lamang aniya na 250 kada buwan o 8.3 kada araw ang nagaganap na aksidente.
Noong 2001, nakapagtala ang Central Police District Traffic Office ng 3,792 aksidente o 316 kada buwan o 10. 5 kada araw.
Ayon pa sa report ng pulisya, sa unang dalawang buwan ng 2002, tinatayang nasa 529 aksidente ang nai-report.
Nangangamba ang mambabatas na tataas pa ang naturang bilang dahil sa ang sanhi ng problema ay hindi pa nareresolbahan ng mga government agencies.
Sinisisi ng solon ang hindi mahigpit na implementasyon ng anti-jaywalking law sa patuloy na pagtawid ng mga pedestrians sa killer road" kahit na mayroong overpass.
Isa pang dahilan kung bakit hindi gumagamit ng overpass ang mga pedestrians lalung-lalo na sa gabi ay dahil sa kakulangan ng ilaw at pangambang maholdap ang mga ito.
Upang maiwasan ang mga karagdagang aksidente, isinuhestiyon ni Tulagan na maglagay pa ng karagdagang lighted overpass, steel fences sa gitna ng Commonwealth Ave. at mahigpit na implementasyon ng anti-jaywalking law. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended