Informer na nagturo kay Robot,instant millionaire
December 10, 2003 | 12:00am
Instant millionaire ang masuwerteng tipster na nagbigay ng impormasyon sa tropa ng militar na nagresulta sa pagkakadakip sa matagal ng wanted sa batas na si Abu Sayyaf Group (ASG) leader Ghalib Andang alyas Kumander Robot.
Ito ang inihayag kahapon ni AFP chief of staff Gen. Narciso Abaya.
Gayunman, tumanggi si Abaya na tukuyin ang pagkakakilanlan at maging ang estado sa buhay ng nasabing impormante para na rin sa sarili nitong proteksyon at kaligtasan.
Nabatid kay Abaya na ang misteryosong informer ay siguradong makakatanggap ng P5 milyong pabuya mula sa pamahalaan kapalit ng pagkakadakip kay Kumander Robot.
Sinabi pa ng opisyal na naging matagumpay ang pinaiiral na reward system ng gobyerno matapos na isa-isang mahulog sa batas ang itinuturing na mga top leaders ng ASG.
Sa kasalukuyan ay tatlo na lamang na Sulu based ASG leaders ang nasa Order of Battle ng AFP na kinabibilangan ng kanilang chieftain na si Khadaffy Janjalani na nagtatago ngayon sa Sultan Kudarat, Abu Pula at Ismin Sabiro.
Samantalang sa Basilan ay kinabibilangan nina Hamsiraji Salih at Isnilon Hapilon alyas Commander Putol o Abu Solaiman.
Magugunita na unang nasakote ng militar si ASG Commander Nadzmi Saabdulah alyas Commander Global sa General Santos City noong Hulyo 8,2001 habang napaslang sa engkuwentro sa tropa ng Special Warfare Group ng Philippine Navy ang kilabot nilang spokesman na si Aldam Tilao alyas Abu Sabaya noong Hunyo 2002.
Samantala, si Commander Mujib Susukan ay napatay naman sa sagupaan sa pagitan ng militar sa Sulu noong Pebrero, 2003. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest