^

Bansa

PPC bubuwagin bagong koalisyon bubuuin

-
Nakatakdang bumuo ang administrasyon ng bagong koalisyon upang siyang magdala sa kandidatura ni Pangulong Arroyo sa 2004 presidential elections.

Inihayag ito ni Housing Secretary Mike Defensor na siyang itinalaga ng Malacañang bilang political spokesman.

Sinabi ni Defensor na pinag-iisipan pa kung ano ang magiging pangalan ng bagong koalisyon pero magiging miyembro nito ay pangungunahan ng partido Lakas-Christian Muslim Democrats, Liberal Party, Cabinet members, independent at ilang miyembro ng kumalas sa Reporma at Aksiyon Demokratiko.

Bukod kay Defensor, hinirang din ang kolumnistang si Alex Magno bilang tagapagsalita sa kampanya sa eleksiyon.

Layunin ng pagtatalaga kina Defensor at Magno na busalan daw ang bibig ng ilang masyadong madaldal tulad ni Lakas spokesman Heherson Alvarez.

Samantala, sinabi ni Defensor na sa kalagitnaang ngayong buwan ng Disyembre ay ihahayag na ng administrasyon kung sino ang bise presidente na katambal ng pangulo at mga kandidatong senador ng administrasyon. (Ulat ni Ely Saludar)

AKSIYON DEMOKRATIKO

ALEX MAGNO

BUKOD

DISYEMBRE

ELY SALUDAR

HEHERSON ALVAREZ

HOUSING SECRETARY MIKE DEFENSOR

LAKAS-CHRISTIAN MUSLIM DEMOCRATS

LIBERAL PARTY

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with