Toshiba balak mag-expand sa Pilipinas
November 30, 2003 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ni Trade and Industry Secretary Mar Roxas ang balak ng Toshiba Information Equipment (Philippines), Inc. na palawakin ang negosyo nito sa Pilipinas.
Binisita kamakailan ni TIP president Eppei Futaki si Secretary Roxas upang humingi ng tulong ukol sa mga support industries na gagawa ng mga produkto ng Toshiba sa bansa.
Kaagad namang inutusan ni Roxas ang Board of Investments (BOI) na asikasuhin ang mga kakailanganin ng Toshiba, katulad ng paghahanap ng mga lugar kung saan ito maaring magpatayo ng mga pabrika.
"Natutuwa kami at kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya kung saan pinaplano ng Toshiba na palawigin ang kanilang negosyo. Sinisiguro naman natin sa kanila na hindi sila mabibigo sa kanilang mga plano, dahil ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamagagaling na mga manggagawa," ani Roxas.
Sinabi rin ni Roxas na hindi sila tumitigil sa paghahanap ng investors sa ating bansa at puspusan ang aksiyong ginagawa sa mga kumpanyang tulad ng Toshiba, para na rin mahikayat ang iba pang mga multi-national na kumpanya na maglagak ng kanilang negosyo sa Pilipinas.
"Trabaho ang katumbas nito para sa ating mga kababayan," pagmamalaki pa ni Roxas.
Ang Toshiba ay kilalang kumpanya na gumagawa ng mga gamit pang-computer tulad ng high-density disks (HDDs), compact disk-read only memory (CD-ROMs), digital video disks (DVD) at personal computers (PCs). (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended