Ang pahayag ay ginawa ng kapatid ni Roco na si Camarines Sur Rep. Sulpicio "Cho" Roco.
"Ramon Robles is a perjured witness. He has been charged with soliciting contracts and receiving money," pahayag ni Rep. Roco.
Sinabi ng solon na dumaan sa open bidding ang mga kontrata ng DepEd kaya imposibleng makapag-kickback.
Ipinagmalaki pa ng kongresista na noong kalihim pa lamang ng DepEd si Roco, ang dating libro na nagkakahalaga ng P120 ay nabili ng departamento ng P48 lamang, samantala naging P21 ang dating P60 na libro.
Naniniwala ang solon na bahagi lamang ng maruming pulitika ang akusasyon laban kay Raul Roco at nagpapagamit lamang ang kanilang pinsan.
Nagsisimula na umanong maglabasan ang black propaganda dahil si Roco ang nangunguna sa karamihan ng mga survey.
Idinagdag pa nito na si Robles ay kaalyado ni Camarines Sur Governor Luis Villafuerte na kalaban sa pulitika ni Roco.
Inihahanda na umano ang libel at perjury cases laban kay Robles dahil sa mapanira nitong istorya. (Ulat ni Malou Rongalerios)