^

Bansa

Pinsan ni Roco kakasuhan ng libelo

-
Kasong libelo at pagsisinungaling sa sinumpaang salaysay ang sinagot ng kampo ni presidentiable Raul Roco laban sa pinsang si Ramon Roco Robles, vice mayor ng Calabanga, Camarines Sur, na nagsabing siya umano ang kolektor ng komisyon ni Roco mula sa mga proyektong pinondohan ng kanyang Countrywide Development Fund (CDF) noong 1997.

Ang pahayag ay ginawa ng kapatid ni Roco na si Camarines Sur Rep. Sulpicio "Cho" Roco.

"Ramon Robles is a perjured witness. He has been charged with soliciting contracts and receiving money," pahayag ni Rep. Roco.

Sinabi ng solon na dumaan sa open bidding ang mga kontrata ng DepEd kaya imposibleng makapag-’kickback.’

Ipinagmalaki pa ng kongresista na noong kalihim pa lamang ng DepEd si Roco, ang dating libro na nagkakahalaga ng P120 ay nabili ng departamento ng P48 lamang, samantala naging P21 ang dating P60 na libro.

Naniniwala ang solon na bahagi lamang ng maruming pulitika ang akusasyon laban kay Raul Roco at nagpapagamit lamang ang kanilang pinsan.

Nagsisimula na umanong maglabasan ang black propaganda dahil si Roco ang nangunguna sa karamihan ng mga survey.

Idinagdag pa nito na si Robles ay kaalyado ni Camarines Sur Governor Luis Villafuerte na kalaban sa pulitika ni Roco.

Inihahanda na umano ang libel at perjury cases laban kay Robles dahil sa mapanira nitong istorya. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

CALABANGA

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR GOVERNOR LUIS VILLAFUERTE

CAMARINES SUR REP

COUNTRYWIDE DEVELOPMENT FUND

MALOU RONGALERIOS

RAMON ROBLES

RAMON ROCO ROBLES

RAUL ROCO

ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with