^

Bansa

Walang hero's burial kay Catchillar,wala ring pension sa pamilya- AFP

-
Dahil sa nagawang "act of terror," hindi pahihintulutan ng liderato ng AFP na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Navy Ltsg. Ricardo Catchillar matapos na masangkot sa pagtake-over sa control tower ng NAIA noong nakalipas na Sabado.

Bukod dito, tatanggalan rin ng pensiyon si Catchillar dahil maliban sa kapangahasan sa kagimbal-gimbal na pagtake-over sa nasabing tower ay may kaso rin itong polygamy na isinailalim sa court martial ng Judge Advocate Generals Office (JAGO) matapos na magpakasal sa tatlong babae na isang paglabag sa Articles of War 96 (conduct unbecoming of an officer and a gentleman ) ng AFP.

Nilinaw naman ni AFP-Public Information Office chief Lt. Col. Daniel Lucero na tanging ang kontribusyon ni Catchillar sa AFP-Retirement Separation and Benefit System (RSBS) na kawangis ng GSIS ang tanging mapapakinabangan ng pamilya ni Catchillar.

Ayon kay Lucero, walang karapatang mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Catchillar dahil hindi ito sa "line of duty" namatay kaya hindi puwedeng pagkalooban ng hero’s burial na pribilehiyo ng mga sundalo sa naturang himlayan ng mga bayaning kawal sa Fort Bonifacio, Makati City.

Sa kabila nito, sinabi pa ni Lucero na bagaman hindi maililibing sa Libingan ng mga Bayani si Catchillar ay bibigyan naman ito ng military honor bilang miyembro ng AFP. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ARTICLES OF WAR

BAYANI

CATCHILLAR

DANIEL LUCERO

FORT BONIFACIO

JOY CANTOS

JUDGE ADVOCATE GENERALS OFFICE

LIBINGAN

LUCERO

MAKATI CITY

NAVY LTSG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with