Sinabi ni Sec. Roxas, dapat magpaliwanag ang mga poultry growers kung bakit biglang tumaas ang presyo ng mga fresh chicken sa mga pamilihan gayundin ang biglang price increase ng semento.
Wika pa ni Roxas sa isinagawang price monitoring ng kanyang tanggapan ay natuklasan nito na tumaas ng P10 ang presyo ng bawat kilo ng manok mula sa dating P85/kilo ay naging P95/kilo.
Inatasan din ng kalihim ang mga local cement manufacturers na magpaliwanag hanggang November 14 kung bakit bigla din silang nagtaas ng presyo.
Tiniyak naman ng kalihim na nananatili ang presyo ng ibang pangunahing bilihin. (Ulat ni Rudy Andal)