Ito ang binigyang diin kahapon ni Pangulong Arroyo matapos mabaril at mapatay ng mga rumespondeng ASG at SWAT sina ret. Col. Panfilo Villaruel at Navy Lt. Richard Cachiliar na kumubkob sa tower.
Magdamag na nagbantay ang Pangulo sa naturang insidente at naghigpit ng seguridad sa Malacañang dahil hindi agad matiyak kung bahagi nga ng kudeta ang nangyari sa airport.
Ayon sa Pangulo, ang uri at lawak ng tangkang pang-aagaw ng tower control ay nagpapakitang hindi nagkaroon ng pagtatangkang agawin ang gobyerno. Wala rin anyang hindi awtorisadong troop movement na naganap saan mang himpilang militar sa bansa.
Pinuri at pinasalamatan ng Pangulo ang mga rumespondeng aviation security units at kinondena ang naganap na insidente na anyay walang matuwid na basehan at nakapagbigay sa panganib sa buhay ng mga pasahero. (Ulat ni Lilia Tolentino)