^

Bansa

Hindi kudeta -GMA

-
Walang kudeta at ang naganap na insidente sa NAIA tower ay isang isolated case na kontrolado na.

Ito ang binigyang diin kahapon ni Pangulong Arroyo matapos mabaril at mapatay ng mga rumespondeng ASG at SWAT sina ret. Col. Panfilo Villaruel at Navy Lt. Richard Cachiliar na kumubkob sa tower.

Magdamag na nagbantay ang Pangulo sa naturang insidente at naghigpit ng seguridad sa Malacañang dahil hindi agad matiyak kung bahagi nga ng kudeta ang nangyari sa airport.

Ayon sa Pangulo, ang uri at lawak ng tangkang pang-aagaw ng tower control ay nagpapakitang hindi nagkaroon ng pagtatangkang agawin ang gobyerno. Wala rin anyang hindi awtorisadong troop movement na naganap saan mang himpilang militar sa bansa.

Pinuri at pinasalamatan ng Pangulo ang mga rumespondeng aviation security units at kinondena ang naganap na insidente na anya’y walang matuwid na basehan at nakapagbigay sa panganib sa buhay ng mga pasahero. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

LILIA TOLENTINO

MAGDAMAG

MALACA

NAVY LT

PANFILO VILLARUEL

PANGULO

PANGULONG ARROYO

RICHARD CACHILIAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with