^

Bansa

Trabaho,investment hahataw sa 2004 -Roxas

-
Kumpiyansa si Trade and Industry Sec. Mar Roxas III na patuloy na uunlad ang ekonomiya sa susunod na taon dahil maraming trabaho ang malilikha ng mga papasok na dagdag investments.

Ito ang paniniwala ni Roxas, na maugong ang pangalan na siyang mapipili ni Pangulong Arroyo bilang vice presidential mate sa 2004, sa kabila ng mga negatibong forecast na hindi magiging maganda ang papasok na taon dala ng mainit na synchronized elections.

Ayon sa apo ng dating Pangulong Manuel Roxas, mali ang impression na ito ng ilang walang kumpiyansa sa pamahalaan dahil halos lahat ng senyales ng magandang 2004 ay kitang-kita na.

Tinukoy niya ang bagong data ng DTI na kung saan kumpirmado na patuloy ang paglago ng mga small at medium scale Filipino at foreign-owned businesses. Malinaw na bilyong piso ang ipapasok nito sa kaban ng bayan bukod pa sa libu-libong trabaho.

Sa computer industry, maglalaan ang Intel ng karagdagang P300 million para sa chip production facility nito habang ang Texas Instruments ay maglalagay din ng karagdagang investment. Mahigpit na magkalaban ang dalawang computer companies sa world market.

Mas maraming trabaho din ang inaasahang malilikha kapag sa bansa na nilagay ng Ford Motors at Mitsubishi ang kanilang completely built-up units sa 2004. Maraming trabaho din ang malilikha kapag nag-full blast operation na ang Shell Malampaya natural gas project sa Palawan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

FORD MOTORS

LILIA TOLENTINO

MAR ROXAS

PANGULONG ARROYO

PANGULONG MANUEL ROXAS

SHELL MALAMPAYA

TEXAS INSTRUMENTS

TRADE AND INDUSTRY SEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with