AGILE-DOF nagsabwatan vs Kongreso
October 15, 2003 | 12:00am
Inakusahan kahapon ni Antique Rep. Exequiel Javier ang lobby group na Accelerating Growth, Investment and Liberalization with Equity (AGILE) na nasa likod nang paninira sa Kongreso upang maisulong ang interes ng multinational cigarette companies.
Kinondena ni Rep. Javier, dating chairman ng House committee on ways and means, si Department of Finance acting Asst. Secretary Ma. Teresa Habitan sa ipinalabas niyang memorandum na bumabatikos sa kabiguan ng Kongreso na patawan ng buwis ang mga dating brand ng sigarilyo. Partikular na tinukoy ni Habitan ang Fortune Tobacco Corp. na hindi umano nagbayad ng bilyong piso ng buwis.
Ayon kay Javier, maliwanag na ignorante si Habitan sa legislative history ng excise tax law sa sigarilyo. Ipinaliwanag ni Javier na hindi pa panahon upang magpasa ang Kongreso ng panibagong pagtataas sa excise tax.
Sinabi ni Javier, maliwanag na proyekto ng AGILE ang ginawang survey sa presyo ng sigarilyo na isinagawa kamakailan ng DOF.
Ang survey ay component activity ng "Fiscal Policy Analysis Activity (FPAA), isang proyektong pinondohan ng USAID.
Naniniwala si Javier na dahil sa impluwensiya ng AGILE sa data ng DOF, nag-iisang sinisi lamang ni Habitan sa kanyang memo ang Fortune Tobacco, isang lokal na kompanya at hindi niya isinama ang iba pang multinational firms ng sigarilyo.
Maliwanag na nais lamang ni Habitan na i-pressure ang Kongreso na magpasa ng bagong batas sa mga tinatawag na sin taxes.
Ang dapat aniya ay ipatupad muna ng DOF ang kasalukuyang tax laws bago nito kumbinsihin ang Kongreso na gumawa ng bagong batas. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am