3,000 ina namamatay sa panganganak
October 11, 2003 | 12:00am
Habang may ipinapanganak na apat na sanggol sa bawat isang minuto, mayroon namang mahigit sa 3,000 kababaihan ang namamatay taun-taon matapos na magsilang.
Sa pag-aaral ni Dr. Ricardo Gonzales, medical advisor ng The Social Acceptance Project for Family Planning, lumalabas na sa patuloy na pagtaas ng porsiyento ng populasyon ng bansa mayroon rin na 3,510 babae ang namamatay sa panganganak, pagbubuntis at bago pa manganak o post partum period.
Nakasaad din sa mortality rate, 59,885 sanggol ang namamatay bago pa man umabot ng edad na isang taon o may 29 sanggol ang namamatay sa may 1,000 sanggol na isinisilang sa ngayon.
Ayon kay Dr. Gonzales, ang mga kadahilanan nang kamatayan ng mga babae sa panganganak ay kawalan ng pangangalaga habang nagbubuntis, takot gumamit ng contraception, kawalan ng kaalaman ng hospital attendant sa mga buntis na isinusugod sa kanilang ospital at di-batid ng babaeng buntis na komplikado ang kanilang kondisyon dahil sa kahirapan.
Suhestiyon ni Dr. Gonzales ang 3 hanggang 5 taon interval bago manganak muli, kumpara sa dating 2 years interval ng birth spacing. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest