Kasama ni Arroyo si Special envoy to the Gulf Cooperation Council Ambassador Amable Aguiluz V at mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa UAE.
Nabatid na makikipagkita ang Unang Ginoo doon kina Ras Al Khaimah, Crown Prince Sheik Saud bin Saqr al Qassimi. Ajman Ruler Sheik Humaid bin Rashid al Nuaimi, Sharjah Ruler Sheik Sultan bin Mohammad al Quassimi at Dubai Crown Prince Mohammed bin Rashid Al Maktoum.
Ayon kay Aguiluz, pinasasalamatan nila ang mga hari at prinsipe ng UAE partikular na si Crown Prince Al Qassimi dahil sa pagbibigay ng kalinga sa mga Pilipinong marino.
Ang Unang Ginoo ang gumawa ng paraan sa pamamagitan ng isang fund raising campaign upang makalikom ng kailangang 500,000 dirhams o P7.5 milyon samantalang nag-ambag naman si Aguiluz ng P1.5 milyon upang mabuo ang kinakailangang 600,000 dirhams kapalit ng kalayaan ng 23 Filipino seaman. (Ulat ni Ellen Fernando)