^

Bansa

DOJ Usec inireklamo sa Ombudsman

-
Isang dating empleyado ng Standard Chartered Bank (SCB) ang nagharap kahapon ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban kay Justice Undersecretary Merceditas Gutierrez dahil sa pagbibigay nito ng basbas na makaalis sa bansa ang isang Indian national na may Hold Departure Order (HDO).

Ayon kay Manuel Baviera, ng No. 26, Maligaya St., Rosario VI Subdivision, Sta. Lucia, Pasig City, inihain niya ang reklamo laban kay Gutierrez matapos na animin nito na pinayagan niyang makalabas sa Pilipinas si Sridhar Raman noong Setyembre 29 patungong Singapore.

Si Raman na tumatayong chief finance officer ng SCB ay nahaharap sa kasong syndicated estafa sa Department of Justice (DOJ) kasama ang mga bank employees na sina Ajay Kanwal at Paul Simon Morris, isang Briton.

Noong Setyembre 26 ay nagpalabas ng HDO laban sa mga akusado si Justice Sec. Simeon Datumanong.

Ayon kay Solicitor General Frank Chavez, abogado ni Baviera, regular at maituturing na isang ‘criminal act’ ang ginawang pakikialam ni Gutierrez.

Sinabi ni Chavez na noong Setyembre 28 ay nagtangka na ring lumabas ng bansa si Raman, pero hindi ito pinayagan ng mga ahente ng Bureau of Immigration subalit nakalabas din ito kinabukasan ganap na alas-8:15 ng umaga matapos na bigyan ng permiso ni Gutierrez.

Kaugnay nito, nagmalaki naman si Gutierrez at sinabi nitong nakabalik na sa bansa kamakalawa si Raman matapos ang pakikipagpulong nito sa ibang bansa. Wala aniyang karapatan ang sino man na husgahan ang mga desisyong ipinalalabas ng kagawaran dahil mayroon silang sapat na dahilan at disposisyon upang gawin ang isang hakbang. (Ulat nina Malou Rongalerios/Grace dela Cruz)

vuukle comment

AJAY KANWAL

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF JUSTICE

HOLD DEPARTURE ORDER

JUSTICE SEC

JUSTICE UNDERSECRETARY MERCEDITAS GUTIERREZ

MALIGAYA ST.

MALOU RONGALERIOS

MANUEL BAVIERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with