^

Bansa

Loren kumalas na sa Lakas

-
Nagbitiw bilang vice president at miyembro ng Lakas-CMD si Senate Majority Leader Loren Legarda upang makagalaw bilang isang independent sa iba’t ibang isyung kinakaharap ng bansa at para na rin makapag-"soul searching" bago ito magdesisyon sa kanyang magiging plano sa 2004.

Pero nilinaw ni Sen. Legarda na kahit nagbitiw siya bilang miyembro ng Lakas ay mananatili siyang kaalyado ng majority group sa Senado bilang isang independent tulad ni Senate President Franklin Drilon.

Ani Legarda, ang kanyang pagbibitiw ay hindi din nangangahulugan na tatalon na siya sa kampo ng oposisyon.

Ihahayag niya ang kanyang plano sa 2004 elections sa susunod na dalawang linggo.

Ang mga options niya ay magretiro sa pulitika, tumakbo muli bilang senador o bise presidente, o sungkutin ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan, ang pagiging presidente. Patuloy anya siyang nakikipag-konsultasyon sa kanyang mga kaanak, mga lider at supporters.

Ayon kay Legarda, para siyang nabunutan ng tinik matapos na makawala sa "kahon" ng ruling Lakas party dahil ngayong independent siya at walang political affiliations at magagawa na niyang magsalita sa anumang isyu batay sa kanyang sariling paniniwala na mas mabuti para sa lahat at walang inaalala na magiging salungat sa stand ng partido.

Nakahanda namang tanggapin ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) si Legarda, ayon kay Senate Minority Leader Vicente Sotto.

Ipinapalagay naman ni Sen. Rodolfo Biazon na ang pagbibitiw ni Loren ay simula pa lamang ng tuluyang pagkawasak ng ruling party dahil sa pag-iral ng maraming faction dito. (Ulat ni Rudy Andal)

ANI LEGARDA

AYON

DEMOKRATIKONG PILIPINO

DRILON

LAKAS

LEGARDA

RODOLFO BIAZON

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA

SENATE MINORITY LEADER VICENTE SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with