Pinas magiging gossip capital ng mundo
September 14, 2003 | 12:00am
Nagbabala kahapon ang isang mambabatas sa posibilidad na maging gossip capital ng mundo ang Pilipinas kapag hindi itinigil ng ibat ibang political quarters ang pagkakalat ng tsismis tungkol sa personal na buhay ng First Couple.
Ayon kay Pangasinan Rep. Generoso Tulagan, tama nang matawag tayong texting capital ng mundo, pero ang pag-usapan ang buhay ni Pangulong Arroyo bilang maybahay ay hindi na katanggap-tanggap. "Her being a wife has definitely nothing to do with her being the President," ani Tulagan.
Naniniwala si Tulagan na ginagamit ngayon ng ilang political quarters ang tsismis kaugnay sa personal na buhay ng Pangulo upang masira ang administrasyon. Below the belt na aniya ang tsismis na siguradong makakaapekto rin sa ekonomiya ng bansa.
Sinabi pa ni Tulagan na siguradong sasamantalahin ng mga kalaban ng gobyerno ang nangyayari ngayon sa administrasyon kaya dapat itong paghandaan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended