^

Bansa

Vicky Toh idedemanda si Ping

-
Panibagong sigalot na naman ang naghihintay kay Senador Panfilo Lacson sa senado matapos na magpasya ang pamilya Toh na magsampa ng asunto laban sa senador sa Senate ethics committee.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Vicky Toh na dapat panagutan ni Lacson ang mga paninirang ginawa nito sa kanya at sa kanyang pamilya.

Aniya, sira na ang kanyang buhay dahil sa mga sunud-sunod na mga paratang na walang batayan na sinabi ni Lacson sa loob at labas ng bulwagan ng Senado.

"Ako ay isang ordinaryong mamamayan, ngunit ngayon, kilala na ako sa buong mundo bilang kabit at may-ari ng tinatagong deposito ni First Gentleman. Hindi ako ang mga iyan at handa kong ipagtanggol ang aking reputasyon at karangalan," ayon pa sa pahayag ni Vicky na binasa ng kanyang abugadong si Atorni Gelacio Mamaril.

Sinabi pa ni Mamaril na kasalukuyang sumasailalim sa isang pagpapagamot ang kanyang kliyente matapos na payuhan ng duktor na magpahinga dahil sa nerbiyos, sama ng loob at kahihiyang dulot ng mga paratang ni Lacson.

Binulgar din ni Mamaril at ni Atorni Roberto Arca na kinumpirma ng limang bangko na binanggit ni Lacson sa kanyang privilege speech na walang nakadeposito sa pangalang Vickty Toh o pinagsamang deposito ni Toh at Jose Pidal.

Ayon kay Mamaril, nagbigay ng kumpirmasyon ang mga opisyal ng Union Bank, Banco de Oro, Philam Savings Bank, Banco Pilipino at BPI-Family bank kaugnay sa mga umano’y depositong pag-aari nina Toh, Jose Pidal, Thomas Toh at Kelvin Tan. (Ulat ni Rudy Andal)

ATORNI GELACIO MAMARIL

ATORNI ROBERTO ARCA

BANCO PILIPINO

FIRST GENTLEMAN

JOSE PIDAL

KELVIN TAN

LACSON

MAMARIL

TOH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with