^

Bansa

Excise tax at dual citizenships,batas na

-
Pormal nang isinabatas kahapon ni Pangulong Arroyo ang Automotive Excise Tax at Dual Citizenship Act.

Ang lagdaan ng dalawang bagong batas ay isinagawa sa Palasyo at dinaluhan nina House Speaker Jose de Venecia, Senate President Franklin Drilon at maging sa oposisyon na sina Senators Vicente Sotto at Aquilino Pimentel.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng Pangulo na ang Dual Citizenship Act ay kakambal ng Absentee Voting Law na bahagi ng electoral reforms.

Ayon sa Panguo, inaasahang mas marami pang Pinoy sa ibayong dagat ang makakabahagi sa absentee voting.

Samantala, ang Automobile Excise Tax ay panlaban sa smuggling ng mga mamahaling sasakyan sa bansa bukod pa sa paglaban sa tax evasion.

Inaasahang kikita ang gobyerno ng P213.3 million sa koleksiyon ng buwis sa pagpapatupad ng bagong batas. (Ulat ni Ely Saludar)

ABSENTEE VOTING LAW

AQUILINO PIMENTEL

AUTOMOBILE EXCISE TAX

AUTOMOTIVE EXCISE TAX

AYON

DUAL CITIZENSHIP ACT

ELY SALUDAR

HOUSE SPEAKER JOSE

PANGULONG ARROYO

SENATORS VICENTE SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with