^

Bansa

GMA nag-sorry kay Acsa

-
Humingi ng paumanhin si Pangulong Arroyo kay Land Bank cashier Acsa Ramirez dahil sa pagkakasangkot sa kanya sa ibinulgar niyang P205 milyong tax scam sa sangay ng bangko sa Binangonan matapos pawalang saysay ng Sandiganbayan ang kasong isinampa sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI), isang taon na ang nakakaraan.

Ang paghingi ng sorry ay personal na ginawa ng Pangulo kay Acsa nang ipatawag niya ito sa Malacañang kahapon.

Ang paumanhin anya ay bunga ng epekto ng karanasang dinanas ni Acsa na sa halip pasalamatan sa pagbibigay impormasyon sa tax scam, itinuro ito bilang isa sa mga suspek sa kaso.

Bunsod ng hinanakit at kabiglaanan sa pagkakadawit ng pangalan sa anomalya, nalaglag ang dinadalang sanggol sa sinapupunan ni Acsa na dapat sana’y pantatlo nilang anak ng kanyang asawa.

Ikinalugod naman ni Acsa ang paghingi ng paumanhin ng Pangulo at naiyak pa ito ng yakapin siya ng Presidente.

Wala na rin umanong dapat alalahanin pa si NBI Director Reynaldo Wycoco at nauunawaan niyang gumaganap lang ito ng tungkulin.

Hindi rin naman siya nagalit kaya hindi niya kailangang magpatawad. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ACSA

ACSA RAMIREZ

BINANGONAN

BUNSOD

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

LAND BANK

LILIA TOLENTINO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with