^

Bansa

Pagdukot kay Udong sisiyasatin

-
Nais ng 18 mambabatas na ipatawag ng House committee on civil, political and human rights si "corruption case" star witness Eugenio "Udong" Mahusay Jr. upang mabigyang linaw ang sinasabing pagdukot dito ng Malacañang.

Sa House resolution 1297 na inihain ng grupo ng oposisyon sa Kamara, sinabi ng mga mambabatas na ang pagdukot kay Mahusay ay maituturing na desperadong hakbang ng gobyerno upang mabitin ang senate inquiry kaugnay sa Jose Pidal account na diumano’y pag-aari ni First Gentleman Mike Arroyo.

Maituturing aniyang obstruction of justice at pagharang sa mahalagang criminal evidence ng senate inquiry ang ginawang pagdukot kay Mahusay.

Naniniwala ang mga solon na pera ng gobyerno ang ginamit sa pagkuha kay Mahusay sa pinagtataguan nitong safehouse sa Cavite kung saan gumamit pa ang Palasyo ng dalawang helicopter.

Maliwanag anila na handang gumamit ng dahas at brutal na paraan ang administrasyong Arroyo upang mapigilan lamang na lumabas ang katotohanan kaugnay sa Pidal money laundering case.

Idinagdag naman ni Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen na dapat magpasa ng batas ang Kongreso upang hindi na maulit ang pangyayari kung saan umabuso umano ang Malacañang upang mapigilan ang isang legislative inquiry.

Posibleng ipatawag din si Housing Sec. Mike Defensor sa isasagawang imbestigasyon ng komite upang ipaliwanag nito ang sinasabing pagdukot kay Mahusay. (Ulat ni Malou Rongalerios)

DIDAGEN DILANGALEN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HOUSING SEC

JOSE PIDAL

MAGUINDANAO REP

MAHUSAY

MAHUSAY JR.

MALACA

MALOU RONGALERIOS

MIKE DEFENSOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with