Mars pinakamalapit sa Earth gayong gabi
August 27, 2003 | 12:00am
Matapos ang mahigit 50,000 taon ay muling makikita mula sa mundo ang pinakamalaking wangis ng planetang Mars ngayong gabi.
Ayon kay Dr. Bernardo Soriano, hepe ng Atmospheric, Geophysical and Space Science branch ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), lalapit ng hanggang 55.7 milyong kilometro ang Mars sa mundo dakong alas-8 ngayong gabi.
"This means that Mars will become more visible to us. Observers will be able to enjoy the sight until the early morning of Thursday," pahayag ni Soriano.
Nakahanda na rin ang PAGASA upang itala ang magiging pangyayari sa history na nagaganap lamang matapos ang 59,619 taon.
Magaganap ang documentation ng natatanging insidente sa PAGASA Observatory sa UP Diliman, Quezon City.
Naganap ang pinakahuling katulad na insidente noong September 12, 5737 B.C. at muli itong magaganap sa August 28, 2287.
Ang layo ng Mars sa Earth ay naglalaro sa 56 milyon kilometro na pinakamalapit at 100 milyong km na pinakamalayo. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest