Sa panayam sa Malacañang matapos na makipagpulong sa Pangulo, sinabi ni Tony Kwok na boluntaryong consultant ang papel nito sa Pilipinas upang ibahagi ang karanasan nito sa paglaban sa malawakang katiwalian sa Hong Kong na ngayon ay naresolba na.
Iginiit din ni Kwok na hindi maaaring ikatwiran ng mga opisyal at kawani ng gobyerno ang maliit na sahod kung kaya nasasangkot sa katiwalian.
Si Kwok ay nagtungo sa Pilipinas matapos na imbitahan ni Finance Secretary Jose Isidro Camacho upang tumulong sa kampanya ng Pangulo laban sa katiwalian.
Ayon pa kay Kwok, pinayuhan siya ng Pangulo na maging madalas ang pagtungo sa Pilipinas upang marami itong maibigay na tips laban sa graft and corruption.
Napapanahon ang pagtungo ni Kwok sa bansa sa gitna ng lifestyle check na ipinatutupad sa mga opisyal ng gobyerno. (Ulat ni Ely Saludar)