UN office sa Iraq binomba: 2 Pinoy patay
August 21, 2003 | 12:00am
Dalawang Pilipino at 5 pang mga opisyal ng United Nations (UN) kabilang ang isang special envoy ang nasawi matapos atakihin ng isang suicide bomber ang headquarters nito sa Baghdad, Iraq.
Sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs, kinilala ang dalawang nasawing Pilipino na sina Ranillo Buenaventura, tubong Malolos, Bulacan at Marilyn Manuel.
Kabilang din sa nasawi sina Sergio Vieira de Mello, special envoy ng UN sa Iraq; Rick Hooper ng United States; Jean-Selim Kanaan ng Egypt; Fiona Watson ng United Kingdom at UNICEF coordinator Christopher Klein-Beekman ng Canada.
Si de Mello ang sinasabing pinaka-target sa naganap na bombing.
Nabatid sa report na umaabot sa 17 katao ang nasawi, 86 ang naospital at 22 ang sugatan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am