^

Bansa

Maternity benefits, tataasan

-
Upang matulungan sa pangangailangang pinansiyal ang mga babaeng empleyado sa pribado at pampublikong opisina tuwing sila ay manganganak, inihain kahapon ng isang mambabatas ang panukalang batas na magtataas sa maternity benefits.

Ayon kay Quezon City Rep. Nanette Castelo Daza, mas mataas na ngayon ang presyo ng mga pangunahing bilihin pati bayad sa panganganak kaya dapat ding itaas ang maternity benefits na nasa ilalim ng Social Security System (SSS) para sa private employees at Government Service Insurance System (GSIS) para naman sa mga government employees.

Sa panukala ni Daza, sinabi nito na ang sinumang babaeng empleyado na nakapaghulog na ng tatlong buwang kontribusyon sa kanilang SSS o GSIS ay maaaring makakuha ng maternity benefits.

Ang benepisyo para sa mga normal child births ay kinabibilangan ng daily maternity benefits na katumbas ng 150% ng kanyang kasalukuyang basic salary, allowances at iba pang benepisyo o cash equivalent ng 84 calendar days.

Para naman sa sinasabing ‘highrisk pregnancies at cesarean deliveries," ang daily maternity benefits ay 100 calendar days.

Sinabi ni Daza na ang kanyang panukala ay ibinatay niya sa standards na inilabas ng International Labor Organization.

Sa ilalim ng ILO convention no. 103, hinikayat nito ang mga member countries kabilang na ang Pilipinas na palawigin pa ang maternity benefits na ibinibigay ng gobyerno para sa mga kababaihan.

Pero ang naturang benepisyo ay para lamang sa unang apat na panganganak ng isang empleyado.

Sa kasalukuyan ang SSS maternity benefits ay 60 days para sa normal delivery at 78 days naman para sa cesarean operations. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BENEFITS

DAZA

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION

MALOU RONGALERIOS

MATERNITY

NANETTE CASTELO DAZA

PARA

QUEZON CITY REP

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with