^

Bansa

Kahit patay na si Salamat,peace talks sa MILF tuloy

-
Hindi mahahadlangan ng pagkamatay ni MILF Chairman Hashim Salamat ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front.

Ayon kay Pangulong Arroyo, hindi man si Salamat ang mamumuno sa panig ng MILF ay hindi nagbabago ang patakaran ng pamahalaang isulong ang makatarungan, komprehensibo at pangmatagalang solusyon sa problema ng Mindanao.

Hindi rin masama ang loob ng Malacañang kahit ipinaglihim ng MILF ang pagkamatay ni Salamat.

Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Eduardo Ermita, nauunawaan nito ang nasabing hakbang ng MILF dahil ito ay revolutionary force na may sariling patakaran.

Nagbigay ang gobyerno ng safe conduct pass sa mga lider ng rebelde nong Hulyo 18 subalit lumilitaw na namatay na pala si Salamat noon pang Hulyo 13 sa cardiac arrest.

Gayunman, tiniyak ni Ermita na magpapatuloy ang peace talks sa MILF at kumpiyansa ang Palasyo na magiging mabilis ang pag-usad ng negosasyon.

Ikinatuwa rin ng mga Mindanao solons ang pag-upo ni MILF Vice Chairman Al Hadj Murad bilang MILF chief dahil naniniwala silang hindi ito maghahasik ng kaguluhan sa kanilang rehiyon.

Si Murad ang napili ng MILF leaders na mamuno sa exploratory talks sa Malaysia. Siniguro ni MILF spokesman Eid Kabalu na hindi magiging sakit ng ulo ng gobyerno ang bagong lider ng rebel group. (Ulat nina Lilia Tolentino/Ely Saludar/Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

CHAIRMAN HASHIM SALAMAT

EID KABALU

ELY SALUDAR

HULYO

LILIA TOLENTINO

MILF

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with