House leaders kay Honasan: Lumantad at magpaliwanag
August 4, 2003 | 12:00am
Hiniling ng mga lider sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Senador Gringo Honasan na lumantad, magpaliwanag at harapin ang pagkakasangkot nito sa tangkang kudeta ng Magdalo group para makatulong na maibalik sa normal na sitwasyon ang bansa at matanggal ang deklarasyon ng State of Rebellion.
Kabilang sa mga Kongresista na humihiling kay Honasan na magpakita ay sina Dep. House Speaker for Visayas Raul Gonzales, Rep. Gerardo Espina, Vice Chairman ng House Committee on Appointments; Committee on Accounts Chair Rep. Ace Barbers (Lakas, Surigao del Sur), Rep. Eduardo Veloso, Chair ng Environment and Natural Resources Commitee, Independent Congressman Willie Villarama ng Bulacan, Commission on Appointment members Rep. Clavell Martinez at Magtanggol Gunigundo, Ethics Committee Chair at Vice-Chair ng Committe on National Defense.
Sa isang statement, hinikayat ni Rep. Espina si Honasan na sagutin ang mga ulat na nagtatago ito upang makaiwas sa pag-aresto ng awtoridad matapos na isangkot ni Interior and Local Government Sec. Jose Lina at ibang opisyal sa tangkang coup plot ng Magdalo group.
Si Espina ang nagpahayag noong Biyernes matapos na iparating sa kanya ni NPC Stawart Ernesto Maceda na si Honasan ay nagpasyang mag-underground.
"While it is laudable that Senator Honasan chose to inhibit himself from the Senate hearing last Friday, I am hopeful he will resurface and resume his duties since Congress is on session, and soon, if only to refute these reports," ani Espina.
Sinabi naman ni Rep. Gonzales na hindi makakatulong ang ginagawang pagtatago ni Honasan sa kasalukuyan matapos ang bigong kudeta kasabay ng paalala nito na ang pagtatago nito ay senyales na posibleng guilty ito sa mga ibinabato sa kanya. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest