^

Bansa

Bgy.tanod, health workers pasok sa GSIS at Philhealth

-
Ipinasa na ng House committee on government enterprises and privatization ang panukalang pagmimiyembro sa mga barangay tanod at health workers sa Government Service Insurance System (GSIS) at Philippine Health Insurance (Philhealth).

Ang panukalang batas 2469 ay una nang inihain ni Bohol Rep. Roberto Cajes at naglalayong maamyendahan ang membership ng accredited barangay tanods at health workers sa GSIS at Philhealth.

Niliwanag nito na bilang public servants, inilalaan ng mga ito ang kanilang oras, kalusugan at buhay para magsilbi sa publiko sa kabila na hindi nakakatanggap ang mga ito ng benepisyo mula sa dalawang ahensiya.

Sa ilalim ng panukala, ang buwanang kontribusyon ng mga barangay tanod at health workers sa GSIS at Philhealth ay paghahatian (50-50 basis) ng national at provincial government.

Sinuportahan naman ito ng mga opisyal ng GSIS at Philhealth, maging ng Budget department, League of Municipalities of the Philippines (LMP) at Liga ng mga Barangay.

Isinuhestiyon naman ni LMP national president Ramon Guico Jr., na ang buong programa ay punan na lamang ng buo ng GSIS at Philhealth dahil marami nang pinaggagastusan ang mga LGUs.

Kasabay nito, ipinanukala naman ni Francisco Duque III, Philhealth president at chief executive officer na isama rin sa coverage ng panukala ang lahat ng barangay officials at volunteers. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

BOHOL REP

FRANCISCO DUQUE

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

LEAGUE OF MUNICIPALITIES OF THE PHILIPPINES

MALOU RONGALERIOS

PHILHEALTH

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE

RAMON GUICO JR.

ROBERTO CAJES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with