Kaugnay nito, umaabot sa 7,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang ipapakalat sa ibat ibang lugar sa Metro Manila upang maiwasan ang anumang nagbabadyang kaguluhan hatid ng ibat ibang militanteng grupo na siyang sasalubong sa SONA ng Pangulo.
Noon pang nakaraang linggo ay ipinatupad na ang mahigpat na seguridad sa pagpasok sa Batasan Complex upang masigurong walang makakapanabotahe sa nasabing pagtitipon.
Bukod sa mga security personnel ng House of Representatives na Legislative Security Bureau (LSB), makakasama rin sa pagbabantay sa lahat ng gusali ng Kamara ang mga miyembro ng PNP-Action Force at PSG.
Uupo ngayong umaga ang pitong bagong Partylist representatives sa ilalim ng liderato ni Speaker Jose de Venecia Jr.
Inihayag naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Dep. Director Reynaldo Velasco, tumatayo ring commander ng Task Force Kapayapaan na ipinakalat na ang mga pulis kagabi upang mapigil ang tangkang pananabotahe sa SONA ng Pangulo.
Ipinaiiral ng pulisya ang no permit no-rally police sa mga militant groups. (Ulat nina Malou Rongalerios-Escudero at Doris Franche)