^

Bansa

Solon binira ng LRTA

-
Handa ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na sagutin sa anumang larangan ang bagong paratang na ipinapakalat ng kampo ng dating taga-payo ng ahensiya sa publiko kaugnay sa pagtatayo ng Light Rail Transit Line 2 sa kahabaan ng Aurora, Ramon Magsaysay at Recto.

Ayon sa mga opisyal, kasinungalingan ang bagong ipinalabas na alegasyon ni Misamis Oriental Rep. Augusto Baculio hinggil umano sa pagbabayad ng P170 milyon isang kontratang walang pahintulot ng LRTA board.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atorni Zosimo Mendoza, LRTA corporate secretary at chief of staff, na hindi maaaring hindi dadaan sa lupon ang anumang kontratang ibinigay ng ahensiya sa Metro Manila Rail Light Transit Consultants (MMLRTC), isang grupo ng mga lokal at pribadong kumpanya na nagbibigay ng payo sa ahensiya kaugnay sa pagpapatakbo ng LRT-2.

Hinikayat din nito si Gualberto na maghain ng asunto sa tanggapan ng Ombudsman upang mabigyan ng pagkakataon ang LRTA na sagutin ito sa tamang okasyon.

Gayunpaman, tiniyak ni Mendoza sa publiko na kailanman ay hindi madidiskaril ng anumang baluktot na pananaw ang paglilingkod sa taumbayan ng LRTA.

Nagsimula ang paglalabasan ng mga maling paratang laban sa LRTA matapos magpasya ang pamunuan nito na itigil na ang kontratang pinasok ng ahensiya sa dayuhang Transurb Technirail hinggil sa pamamahala ng pagmimintina sa LRT-1.

vuukle comment

ATORNI ZOSIMO MENDOZA

AUGUSTO BACULIO

AYON

GAYUNPAMAN

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

LIGHT RAIL TRANSIT LINE

METRO MANILA RAIL LIGHT TRANSIT CONSULTANTS

MISAMIS ORIENTAL REP

RAMON MAGSAYSAY

TRANSURB TECHNIRAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with