DPWH Sec, 4 pa pinasususpinde
July 27, 2003 | 12:00am
Iginiit ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan na suspindihin si Public Works Secretary Florante Soriquez at apat pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot sa umanoy P38.289 milyong "lahar scam" may 7-taon na ang nakakaraan.
Hiniling ni Prosecuting Officer II Cicero Jurado Jr. sa Sandiganbayan 3rd Division na suspindihin sina Sec. Soriquez at apat pang opisyal ng DPWH na sina Rey David, Ulysis Manago, Juan Gonzales at Gil Rivera na pawang isinangkot sa maanomalyang konstruksiyon ng 56-kilometrong megadike project sa Pampanga na nagkakahalaga ng P38.289 milyon noong panahon ni dating Pangulong Ramos.
Ipinunto ng Ombudsman sa kanilang mosyon na si Soriquez na noon ay hepe ng Mt. Pinatubo Rehabilitation Project Management Office at Mt. Pinatubo Emergency Project Managament Office kasama ang apat pang opisyal ay malinaw na lumabag sa anti-graft law matapos payagan nito ang mga contractors ng Atlantic Erectors Inc. na baguhin ang plano at specifications ng nasabing megadike project gayung binayaran sila ng kabuuang P38,289,708.
Bumigay ang dike matapos na makumpleto ang konstruksiyon nito nang hindi sunurin ng contractor ang dapat na disenyo nito bukod sa gumamit ng mga substandard materials.
Subalit nakabitin pa rin ang nasabing kaso ni Soriquez at apat pang opisyal ng DPWH matapos kasuhan ang mga ito ng Ombudsman sa Sandiganbayan noong December 1996 at maitalaga pa ito bilang kalihim ng naturang ahensiya.
Sa 3-pahinang mosyon ng Ombudsman sa Sandiganbayan ay iginiit nito na dapat munang suspindihin sina Soriquez at 4 na opisyal ng DPWH habang dinidinig ang kaso ng mga ito sa anti-graft body. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended