Ayon kay Dr. Enrique Tayag, Asst. Regional Director ng DOH sa Region 3, kinumpirma nito na mayroon ng tatlong biktima ng Encephalities B ang ginagamot sa Tarlac.
Gayunman, sinabi ni Tayag na dating hepe ng National Epedimiologist Center ng DOH na hindi pa maituturing na epidemya ang pagkakatala ng tatlong kaso ng Encepalities B na nakukuha ang virus sa kagat ng lamok, sa kanilang rehiyon.
Pinayuhan ang mga travelers mula sa China at Hong Kong na manatili muna sa kanilang bahay o magkulong kapag nakaramdam ng lagnat, sakit ng ulo at pagsusuka. Kapag malala na ay maaaring magkaroon ng hallucinations, problema sa pagsasalita at pandinig, double visions, memory loss at maaaring ma-comatose. (Ulat ni Gemma Amargo)