^

Bansa

Wycoco gigisahin sa P5-M jueteng payola

-
Isasailalim sa masusing imbestigasyon ang umano’y pagtanggap ng ‘jueteng money’ ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Reynaldo Wycoco.

Sinabi ni Justice Usec. Merceditas Gutierrez na aatasan niya si Chief State Prosecutor Jovencito Zuño na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa alegasyon laban kay Wycoco.

Ayon kay Gutierrez, hindi agad sisibakin sa kanyang posisyon si Wycoco hangga’t walang nakukuhang ebidensiya laban dito.

Hihingan din ni Gutierrez ng paliwanag si Wycoco hinggil sa naturang usapin.

Una nang napabalita na si Wycoco ay tumatanggap umano ng P5 milyon kada buwan mula sa jueteng operations.

Kinokondena din si Wycoco sa paggamit umano nito sa kanyang posisyon sa pulitika dahil sa dalawang ulit na itong nakitaan ng pamumulitika.

Isa na dito ang pagbubunyag ni Wycoco sa umano’y dollar account ni Senador Panfilo Lacson sa United States at ang pagkakasabit din ng huli sa pagpatay kay PR man Salvador "Bubby" Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito. (Ulat ni Grace dela Cruz)

AYON

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZU

CRUZ

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

EMMANUEL CORBITO

JUSTICE USEC

MERCEDITAS GUTIERREZ

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SENADOR PANFILO LACSON

UNITED STATES

WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with