Sinampahan sina Al-Ghozi at Mukles Yunos ng kasong multiple murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder kung saan positibong kinilala ng huli ang una na siyang nag-utos sa kanya na magtanim ng bomba sa Light Rail Transit (MLRT) noong Rizal Day, December 30, 2000.
Ibinunyag rin ni Mukles ang ibat ibang alias na ginagamit ni Al-Ghozi at mga partisipasyon nito sa pambobomba kaya hindi agad nasasakote ng mga awtoridad.
Si Al-Ghozi ang siyang nagsasagawa ng switch ng mga bombang itinatanim at ang nagre-repack sa mga kahon ng bomba habang si Mukles ang gumagawa ng mga wirings ng bomba.
Binigyan naman ng DOJ panel opf prosecution ng hanggang Hulyo 2 si Al-Ghozi para magsumite ng kanyang reply hinggil sa alegasyon laban sa kanya.
Sinabi naman ng prosecution na malaki ang naitulong ng ginawang pagtuturo ng harapan ni Mukles kay Al-Ghozi dahil dito magkakaroon ng matibay na ebidensiya ang DOJ para maisulong ang nasabing mga kaso. (Ulat ni Grace dela Cruz)