'Erap huwag kang makasarili'
June 18, 2003 | 12:00am
Hiniling kahapon ng ilang mambabatas kay dating Pangulong Estrada na manahimik na lang at huwag gamitin ang pananakot na sisiklab ang EDSA 4 sakaling mawalang saysay ang inihaing impeachment complaint laban sa walong mahistrado ng Korte Suprema.
Sinabi ni Capiz Rep. Fred Castro na lumalabas na makasarili si Estrada dahil sa ginawa nitong panawagan sa publiko na mag-alsa laban sa kasalukuyang pamahalaan at pag-initan ang mga mahistrado ng Korte Suprema.
Kung talaga aniyang mahal ni Estrada ang masa, hindi niya hahayaang manggulo ang mga ito o magkagulo na naman sa Pilipinas.
Sinabihan naman ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay si Estrada na isantabi muna ang pansariling kapakanan at unahin ang ikabubuti ng bansa.
Dapat aniyang pagtuunan na lamang ng pansin ng dating presidente ang mga kaso nito sa Sandiganbayan sa halip na magsilbing mitsa sa pag-uudyok sa mga tagasuporta nito.
Sinabi pa ni Pichay na dapat ding irespeto ni Estrada ang Kongreso sa gagawin nitong pagdinig at hatol sa inihain nitong reklamo laban sa mga mahistrado.
Minaliit naman nina House Majority Leader Neptali Gonzales II at Taguig/Pateros Rep. Allan Cayetano ang babala ni Erap dahil hindi na kakayanin pa nito na makapanghikayat pa sa taumbayan para maglunsad ng people power.
Sinabi ni Gonzales na tanggap na ng publiko ang panunungkulan ni Pangulong Arroyo at maaring hakot na lamang para magwelga ang makukuha nito.
Sinabi naman ni Cayetano na sa kabila na marami pa ring nakikisimpatiya kay Estrada, hindi ito sapat para sa isang pag-aalsa bukod pa sa walang military component o suportang militar ang mga ito.
Pinayuhan ng mga mambabatas si Estrada na lumaban na lamang ito sa 2004 elections para malaman kung may tiwala pa ang taumbayan sa kanya. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended