^

Bansa

Bacani mananagot sa batas

-
Hindi paliligtasin ng batas mula sa kinakaharap na kasong kriminal si Catholic Bishop Teodoro Bacani kahit pa ito ay isang alagad ng simbahan.

Ito ang inihayag ng isang mataas na opisyal ng Department of Justice (DOJ) na tumangging magpabanggit ng pangalan at nagsabing hindi magiging bias ang nasabing kagawaran sa pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa kasong sexual harassment laban kay Bacani kung isasampa ng kanyang inabuso umanong sekretarya ang kaso sa DOJ.

Si Bacani, mula sa Diocese of Novaliches at kilalang spiritual adviser ni El Shaddai leader Mike Velarde ay palihim na umalis sa bansa kahapon at naispatan ng mga alertong mamamahayag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nakasuot ng sports jacket ang naiskandalong obispo nang dumating dakong alas-7:55 ng umaga sa NAIA, sumakay sa Northwest Airline flight NM-028 at naupo sa business class section ng nasabing eroplano patungong San Francisco sa Estados Unidos.

Mahigpit na pinigilan ng mga tauhan ng airline security ang mga mediamen na makapanayam si Bacani at makuhanan ito ng litrato.

Ayon kay Ferdinand Sampol, hepe ng Bureau of Immigration sa NAIA, naantala ang pag-alis ng eroplano na umabot sa 30 minuto dahilan sa pagpupumilit ng mga mamamahayag na makalapit kay Bacani mula sa pag-alis nito at upang masagot ang akusasyon ng kanyang 34-anyos na sekretarya sa loob ng limang taon.

Bagaman nagpalabas ng isang statement si Bacani na pinapabulaanan nito ang akusasyon ng kanyang sekretarya ay mahigpit namang tinuligsa ito ng militanteng grupo ng kababaihan na GABRIELA sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Nabigla ang Vatican envoy sa Pilipinas na si Papal Nuncio sa iskandalong kinakaharap ni Bacani na nagpababa sa moral ng simbahang Katoliko.

Ayon kay Monsignor Romualdo Ranada, tagapagsalita ng mga diocese, si Bacani at sekretarya nito ay pawang kinausap na ng Vatican envoy at isusumete na sa Congregation of Bishops sa Rome ang kanilang mga testimonya upang pag-aralan at timbangin kasunod ng pagpapalabas ng aksyon dito na makakabuti sa mamamayan at sa simbahan.

Gayunman, inamin ni Ranada na posibleng masibak o puwersahang pagbitiwin sa puwesto si Bacani.

Samantala, hiniling kahapon ni Bayan Muna Rep. Liza Maza sa mga namumuno ng Simbahang Katoliko na pabalikin agad sa bansa si Bacani upang harapin nito ang kanyang kaso.

Sinabi ni Maza na hindi dapat pinayagan ng pamunuan ng simbahan na makabalas ng bansa si Bacani at dapat nitong samantalahin ang isasagawang imbestigasyon upang malinis ang pangalan nito.

Sinabi naman ni CBCP spokesman at Cotabato Archbishop Orlado Quevado na lalabas din ang katotohanan hinggil sa nasabing alegasyon.

Iginiit ng CBCP na kailangang malaman ng publiko ang buong katotohanan at magiging parusa sa mga paring nasasangkot sa anumang kaso partikular na sa pagnanasa na pangunahing ipinagbabawal ng simbahang Katoliko. (Ulat nina Grace dela Cruz, Butch Quejada, Malou Escudero at Jhay Mejias)

AYON

BACANI

BAYAN MUNA REP

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CATHOLIC BISHOP TEODORO BACANI

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CONGREGATION OF BISHOPS

COTABATO ARCHBISHOP ORLADO QUEVADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with