^

Bansa

Cory, Sin at SC justices ipapatawag

-
Ipapatawag sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sina dating Pangulong Cory Aquino, Jaime Cardinal Sin at ang mga Supreme Court justices upang bigyang linaw ang impeachment complaint na inihain ni dating Pangulong Joseph Estrada sa walong SC justices.

Sinabi ni Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen na dapat mabigyan ng pagkakataon ang mga taong inaakusahan na nagsabwatan sa pagpapatalsik kay Estrada na malinis ang kanilang mga pangalan lalo na ang mga SC justices.

Wala na umanong maniniwala sa hudikatura kung hindi mabibigyan ng pagkakataon ang mga mahistrado na marinig ang kanilang panig.

Ipinaliwanag ni Dilangalen na wala silang personal na agenda sa pagsusulong ng impeachment complaint laban sa mga justices dahil nais lamang nilang maibalik ang ‘rule of law’ na nawala aniya ng patalsikin sa puwesto si Estrada.

Matagal na aniya siyang hinihikayat na i-endorso ang impeachment complaint na ihahain sana ng isang grupo laban sa mga SC justices subalit tinanggihan niya ito dahil ayaw niyang maakusahan na siya’y namumulitika.

Pero nang lumabas aniya ang libro ni Justice Artemio Panganiban na may pamagat na "Reforming the Judiciary" kung saan inamin umano nito na nagkaroon ng sabwatan sa pagpapatalsik kay Estrada ay nagdesisyon siya na iindorso ang reklamo na inihain ng kampo ng dating pangulo. (Ulat ni MEscudero)

DIDAGEN DILANGALEN

JAIME CARDINAL SIN

JUSTICE ARTEMIO PANGANIBAN

MABABANG KAPULUNGAN

MAGUINDANAO REP

PANGULONG CORY AQUINO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

REFORMING THE JUDICIARY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with