^

Bansa

US hindi interesadong magtayo ng base militar sa Pilipinas

-
Hindi na interesado ang US government na maglagay ng base militar sa Pilipinas.

Pinabulaanan ni US Ambassador Francis Ricciardone ang report ng Los Angeles Times na plano ng Pentagon na hingin ang permiso ng Pilipinas na i-base ang mga tropang Kano dito.

Sa panayam sa Malacañang, sinabi ni Ricciardone na walang leader ng US ang interesado na palitan ang mga policies ng US sa Asya lalo na sa Pilipinas.

Kagagaling lang ni Ricciardone sa Washington kung saan nakapulong niya sina US Pres. George Bush, Defense Sec. Donald Rumsfeld at State Secretary Condoleesa Rice. Wala anyang binanggit ang naturang mga opisyal hinggil sa planong palawakin ang tropa sa Asya at maglagay ng base sa Pilipinas. (Ulat ni Ely Saludar)

AMBASSADOR FRANCIS RICCIARDONE

ASYA

DEFENSE SEC

DONALD RUMSFELD

ELY SALUDAR

GEORGE BUSH

LOS ANGELES TIMES

PILIPINAS

RICCIARDONE

STATE SECRETARY CONDOLEESA RICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with