^

Bansa

Discount sa mga estudyante

-
Upang mabigyan ng discount priveleges ang mga estudyante bago magbukas ang klase sa Hunyo 16, nanawagan kahapon si Ilocos Norte Rep. Imee Marcos sa Department of Education (DepEd) na makipagtulungan sa mga business establishments at magpalabas ng discount card na 25 porsiyento sa mga food chains, school supplies, bookstore, pasahe, cellular, internet, phone cards at mga cultural presentation entrance fees.

Ang panawagan ay bunsod na rin ng taun-taong pagtaas ng matrikula at napipintong pagtaas ng pamasahe bunsod ng hindi mapigilang pagbulusok ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ni Marcos na mayroong obligasyon ang pamahalaan sa mga estudyante na tulungan sila sa anumang pangangailangan nila sa kanilang pag-aaral.

Malaking katipiran aniya para sa mga magulang ang pagbibigay ng 25% discount ng iba’t ibang establishments. Makakatipid sila ng mula P1 hanggang P5 sa pamasahe pa lamang.

Bukod sa pamasahe sa jeep, dapat din aniyang mabigyan ng discount ang mga estudyante sa mga FX, PNR trains, MRT, LRT at mga commercial airlines.

Mahalaga aniyang makipagtulungan ang mga negosyante sa panahong malaki ang ginagastos na salapi ng mga estudyante partikular iyong mga nasa kolehiyo. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

BUKOD

DEPARTMENT OF EDUCATION

HUNYO

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

MAHALAGA

MAKAKATIPID

MALAKING

MALOU ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with