^

Bansa

Programa ng counting machines lantad, maayos

-
Tiniyak ni Commission on Election Chairman Benjamin Abalos Sr., sa mamamayan na pinili ng Comelec ang pinakamagaling na counting machine system na gagamitin para makasigurong magkakaroon ng malinis na halalan sa Mayo 10, 2004.

Nanawagan din si Abalos sa publiko na mag-ingat sa maling impormasyon ukol sa implementasyon ng Electoral Modernization Program (EMP) ng komisyon.

Ayon kay Abalos, sinisiguro nitong maisusulong ng lantad at maayos ang takbo ng tatlong phase na sakop ng modernization. Una, ang paglilinis ng voter’s list at validation ng registration ng mga botante; ikalawa, automated ng pagboto, pagbilang at pagta-tally ng mga boto at ang ikatlong phase ay ang electronic transmission ng mga resulta mula sa counting centers papunta sa central office ng Comelec, sa mga political parties at mga citizen’s arm.

Ipinaliwanag ni Abalos na ang counting machines ng Mega Pacific ay gawa ng SK & C ng South Korea na dumaan sa masusing pagsubok ng Department of Science and Technology ((DOST) at nakapasa sa kriteria na inilatag nito kagaya ng bilis, accuracy sa pagbibilang ng balota at kakayahang umandar kahit sa mainit na temperatura at hangin.

Sinabi din ni Abalos na mahusay ang makina ng Mega Pacific, dahil hindi tatanggapin ng mga makina nito ang mga peke at duplikadong mga balota na balak ipasok dito. At makakapaglabas agad ng resulta makaraan lamang ang ilang oras. (Ulat ni Jhay Mejias)

ABALOS

AYON

COMELEC

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

ELECTION CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

ELECTORAL MODERNIZATION PROGRAM

JHAY MEJIAS

MEGA PACIFIC

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with