Siocon siege: Sabwatang MILF-ASG
May 6, 2003 | 12:00am
Isang diversionary tactic lang ng MILF ang pagsalakay nila sa Siocon, Zamboanga del Norte upang iligaw ang mga militar sa pagtugis kay Abu Sayyaf Group leader Khadafy Janjalani.
Ito ang ipinahiwatig kahapon ni Defense Secretary Angelo Reyes kaugnay sa naganap na pagsalakay at panununog ng MILF sa bayan ng Siocon nitong Linggo ng madaling araw na ikinasawi ng 25 katao at ikinasugat ng 26 iba pa.
Sinabi ni Reyes na dalawa ang nakikita nilang dahilan sa pagsalakay ng MILF sa Siocon at isa na rito ang kasalukuyang military operations sa Pilas island laban sa ASG na pinamumunuan ni Janjalani. Umanoy isinagawa ng MILF ang Siocon siege upang alisin ang atensiyon ng militar sa Pilas, kung saan 17 Sayyaf ang napatay.
Bukod sa sabwatang MILF-ASG, isa rin sa tinitingnang dahilan sa pagsalakay ang kabiguan ng separatistang grupo na makapag-extort ng pera mula sa mga mining company at residente ng Siocon.
Sa ulat, dakong 1:45 ng madaling araw ng salakayin ng 100 hanggang 150 mga MILF ang bayan ng Siocon kung saan agad inokupa ng mga rebelde ang munisipyo at ospital.
Naging mainit ang labanan sa pagitan ng mga rebelde, militar at pulisya hanggang sa mapuwersa ang MILF na kumuha ng ilang residente para magamit nilang human shields laban sa tropa ng pamahalaan. Habang papatakas ay sinunog ng mga rebelde ang palengke, ilang kabahayan at maging ang opisina ng municipal government. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest