Kabaryo ni Adela kinatatakutan pa
April 28, 2003 | 12:00am
Inalis na ng Department of Health (DOH) ang pag-quarantine sa may 800 residente ng isang Barangay sa Alcala, Pangasinan na dating tinitirhan ng SARS victim na si Adela Catalon pero sila ay kinatatakutan at iniiwasan pa rin.
Ayon kay Dr. Yadao Baldomero, third degree cousin ni Adela na matapos na alisin ang pagkakwarantina sa nasabing lugar ay hindi na rin nabago ang ugali ng mga residente dahil sa matinding takot na mahawaan ng SARS.
"Parang walang pagbabago. Unwanted pa rin kami sa mga tao," ani Baldomero.
Naniniwala si Baldomero na matatagalan pa bago tuluyang mawala sa isip ng mga mamamayan sa kanilang lugar ang tungkol sa nasabing sakit.
Takot na rin aniya ang mga taong tumungo sa Brgy. Vacante gaya ng mga nagde-deliver ng isda, gulay at karne.
Iginiit ni Baldomero na hindi na nila kailangang tumungo pa sa bayan upang bumili ng mga pagkain subalit kahapon ay walang mga dumating na deliveries dahil sa pangambang makuha ang nasabing sakit sa kanilang lugar.
Takot pa rin ang mga tricycle drivers na isakay sila at ihatid sa mga kalapit na bayan.
"Gaya ko, pumunta ako sa Urdaneta City noong isang araw at sa Carmen, Rosales subalit nang sasakay na ako sa tricycle ay tumanggi silang ihatid ako," dagdag pa nito.
Gayunman, matapos na itala ng DOH na ligtas ang mga mamamayan sa Alcala, mananatili ang apat na kabahayan sa quarantine.
Ito ang mga bahay na pag-aari nina Cynthia, Yolly, Kapitana at Corpuz na nagkaroon ng close contact kay Catalon. May 26 katao ang nakatira sa nabanggit na mga bahay.
Sinabi ni Dr. Nemesia Mejia, provincial health officer na tumungo ito kahapon kasama ang mga DOH officials sa Brgy. Vacante upang ibigay ang magandang balita na ligtas na at di nahawa sa sakit matapos ang pagpapasailalim sa mga na-quarantine ng pinal na pagsusuri.
Si Mauricio Catalon, ama ni Adela ang naitala ng DOH na posibleng pangalawang biktima ng SARS. (Ulat ni Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest