Paghatsing ituturing na terorismo!
April 25, 2003 | 12:00am
Dahil sa nakamamatay na SARS, posibleng ipagbawal na rin ang paghatsing sa matataong lugar at ituturing na isang uri ng terorismo.
Ito ang lumabas sa isinagawang deleberasyon sa Kamara kamakalawa ng gabi sa Anti-Terrorism Act of 2003 kung saan inamin ni Eastern Samar Rep. Marcelino Libanan, chairman ng House Committee on Justice na maituturing na ring "act of terrorism" ang paghatsing sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay Libanan kung ang intensiyon ng taong humatsing ay mag-panic ang mga taong nasa kanyang paligid ay puwede siyang ituring na terorista.
Hindi naman sumang-ayon si Makati Rep. Teddy Boy Locsin dahil hindi anya kayang pigilan ng isang tao ang kanyang paghatsing at hindi ito kayang ipagbawal kahit na isang batas.
Sinabi pa ni Locsin na dapat maging specific ang panukalang batas na tinatalakay dahil napakalawak ng saklaw nito pati paghatsing ng tao ay sinasakop. (Ulat ni Malou R. Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest