DOH hinamon sa SARS cover-up
April 24, 2003 | 12:00am
Hinamon kahapon nina Senador Aquilino Pimentel Jr. at Juan Flavier si Health Secretary Manuel Dayrit na ilantad ang katotohanan sa likod ng balitang apektado na rin ng severe acute respiratory syndrome (SARS) ang Pilipinas matapos na ilan na umano sa ating mga kababayan ang nasawi sa nasabing karamdaman
Sa ginanap na forum sa Citio Fernandina sa Greenhills, San Juan kahapon, sinabi ni Sen. Pimentel na hindi umano makabubuti kung itatago ang katotohanan dahil lalo lamang magiging malala ang sitwasyon.
"If we have SARS, I challenged DOH Secretary Dayrit to come out and tell the truth to the public so the government could address it," tahasang sinabi ng senador.
Ang pahayag ay ginawa ni Pimentel sa likod ng mga ulat na binawian na rin ng buhay sa sakit na SARS si Mauricio Catalon, ang ama ng nursing attendant mula sa Toronto, Canada na si Adela Catalon na umuwi sa bansa matapos dapuan ng coronavirus o killer pneumonia.
"Regardless of whoever dies of the SARS virus, the DOH should come clean and tell what is the real score, they should not cover up in the name of protecting the economy," mariing hamon pa ni Pimentel.
Inakuhasan naman ni Sen. Flavier na puro pa-"pogi points" lang ang pahayag ni Dayrit. Dapat anyang harapin ang katotohanan na darating ang panahon na magkakaroon ng SARS sa bansa dahil napakahirap nitong pigilan. Kung ang layunin ng DOH na ideklarang SARS-free ang bansa para sa makakuha ng maraming turista ay malaking pagkakamali.
Ipinaliwanag ni Flavier na bawat araw ay may dumarating na 6,000 katao mula sa ibat ibang bansa na posibleng may dala ng SARS, pero walang kakayahan ang Pilipinas para mamonitor ito.
Napag-alaman na may 250 residente ng Barangay Vacante sa bayan ng Alcala, Pangasinan ang isinailalim na sa state of calamity at naka-quarantine sa pangambang nahawa na rin ang mga ito ng sakit na SARS mula sa mag-amang Catalon.
Si Adela ay dumating sa bansa noong nakaraang Abril 4 at namatay noong Abril 14 bagay na pilit pa umanong pinagtatakpan ng mga opisyal ng DOH.
Inihalimbawa pa ni Pimentel ang China na dahilan sa sobrang pagtatakip umano sa SARS ay naging epidemya na kumalat at nakaapekto pa sa ibang bansa. (Ulat nina Joy Cantos at Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest