^

Bansa

Ang buhay, kapangyarihan at pagbaksak ni Saddam

-
Kakaiba ang naging papel ni Saddam sa liderato ni Iraqi pres. al-Bakr. Siya ang nangasiwa at namuno sa mga pangunahing ‘domestic problems’ ng Iraq.

Siya ang nakipag-negosasyon sa isang ka-sunduan noong 1970 sa pagitan ng separatistang Kurdish leaders para mabigyan sila ng autonomy.

Ilang panahon ang nagdaan, wala ring nasunod sa kasunduan dahil na rin sa mga madudugong labanan sa pagitan ng rehimen at Kurdish groups.

Pumapel si Saddam sa nationalization ng mga industriya ng langis, ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan at kayamanan ng Iraq.

Kinontrol na rin ni Saddam ang Peasant Department na siyang nangasiwa sa democratic system sa Iraq.

Kinailangan noon na magtalaga ang gobyerno ng Iraq ng tatayong pinuno ng security system. Walang gustong kumuha ng puwesto at sinabi ng bawat mga opisyal na "This is a dirty job. I don’t wan’t it."

Agad na nagtaas ng kamay si Saddam at sinabi nitong "I want the job. I’ll take over the security system".

Nakuha nito ang security system na tinawag na Department of General Relations hanggang sa palawigin niya ito.

Ito rin ang simula ng pagkuha ng kapangyarihan ni Saddam sa buong Iraq.

Si pres. al-Bakr na isang heneral ay isang mabuting tao, tahimik at relihiyoso, kabaligtaran ni Saddam.

Dahil sa laki ng tiwala ni al-Bakr kay Saddam ay ipinagkatiwala nito lahat ng trabaho dahil na rin sa ipinakitang kasipagan nito.

Nagtatrabaho si Saddam ng 18-oras sa isang araw dahil sa pagiging head ng Peasants Dept., pamumuno sa pakikipag-relasyon sa mga Kurdish, pinuno ng Iraq Committee on Oil Control at pinuno pa rin ng komite na kumukontrol sa relasyon ng Iraq sa Arab countries.

Pati na rin ang mga sindikato ng mga manggagawa at elementong kriminal ay pinamunuan ni Saddam ng hindi nalalaman ni al-Bakr.

Ang gusto ni Saddam, kapag may apppoinment ito ay dapat eksakto sa oras ang kausap. Kapag naantala o nauna sa takdang oras ang kanyang kausap ay kukuwestiyonin nito.

"If you had an appointment with Saddam at three, you showed up at three. He is that organized. He is that methodical,"
anang Iraqi official. (Ulat ni Ellen Fernando)

BAKR

DEPARTMENT OF GENERAL RELATIONS

ELLEN FERNANDO

IRAQ

IRAQ COMMITTEE

OIL CONTROL

PEASANT DEPARTMENT

PEASANTS DEPT

SADDAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with