Saddam, bin Laden, Abu Sabaya kinuha ng alien?
April 17, 2003 | 12:00am
Totoo kayang meron ding anti-US na mga alien at sila ang kumukuha sa mga kaaway ng Amerika kapag nasa bingit na ito ng pagkahuli?
Ito ang naglalaro sa isipan ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos na labis na nagtataka kung saan na napunta ang mga teroristang kalaban ng Amerika katulad nina Saddam Hussein, Osama bin Laden at Abu Sabaya.
Ayon kay Marcos, kahit anong gawin ng Amerika ay hindi pa rin nila mahuli-huli ang tatlong nabanggit na terorista o maipakita ang bangkay ng mga ito.
Nasakop na ng US-led coalition forces ang Tikrit na hometown ni Saddam, pero hindi pa rin natatagpuan sa alin mang parte ng Baghdad o Tikrit si Saddam.
Bukod kay Saddam, nauna na ring hinanap ng mga Amerikano sina Osama bin Laden at Abu Sabaya na sa kasamaang palad ay pare-parehong naglaho at tila nakakaalpas sa tuwing malapit na silang mahuli ng mga US forces.
Kung matatandaan sa report ng CNN noong 1988, may unidentified flying object (UFO) daw na nakitang umaali-aligid sa ibabaw ng Baghdad habang patuloy nitong iniilagan ang mga bala mula sa anti-aircraft ng Iraqi Army.
"Nakakatawa na pero hindi natin maiiwasang magtanong kung saan napunta ang mga teroristang kalaban ng Amerika," pagtatanong pa ni Marcos. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest