Base sa report, agad na pinaulanan ng bala ng tropang Kano ang isang pick-up dahil sa hinalang suicide bomber ang mga sakay nito na kukuha lamang ng gasolina para sa kanyang sasakyan.
Agad na nasawi ang driver ng pick-up at malubhang nasugatan ang kasamang pasahero.
Nauna rito, pitong kababaihan at bata ang namatay ilang oras matapos ang nabanggit na insidente nang pagbabarilin din ng mga US Marines na nagsasagawa ng checkpoint sa lungsod ng Najaf.
Hindi umano tumigil sa checkpoint ang sasakyan ng mga biktima kaya pinaulanan sila ng bala. Huli na nang malaman ng tropang Kano na may 13 na mga babae at batang Iraqi ang sakay nito.
Inamin naman ng isang US Marines na inakala niyang mga suicide bomber ang mga napatay na Iraqis.
Muli na namang nagpaulan kahapon ng 3,000 guided missiles ang may 50 war planes sa mga artillery installations, Republican Guard at Fedayeen militiamen headquarters sa Baghdad kahapon sa pagpapatuloy ng air assault kasabay ng umaatikabong ground attacks ng 101st Airborne brigade sa Najaf.
Samantala, pinabulaanan kahapon ni Iraqi Pres. Saddam Hussein na wala na siya at kanyang pamilya sa Iraq.
Sinabi nito na nananatiling magkakasama sila ng kanyang pamilya at buo pa rin ang suporta ng kanyang mamamayan sa pakikipaglaban. (Ulat ni Ellen Fernando)