^

Bansa

Mga abogado ni Estrada papalitan

-
Hindi nagustuhan ng mga counsel de officio ni dating Pangulong Estrada ang balitang papalitan na sila at ibabalik ang mga sinibak na abugado ng dating pangulo.

Ayon sa isang abogado ni Estrada na tumangging magpabanggit ng pangalan, hindi maganda kung papalitan sila matapos magkaroon ng positibong kaganapan sa kaso ni ex-San Juan Mayor Jinggoy Estrada na kasalukuyang nakalalaya.

Hindi umano napapanahon ang pagpapalit ng abugado ng dating Pangulo. Maganda anya ang kanilang ginagawa sa pagdepensa sa mga akusado ng plunder case at ang paggigiit sa korte na pansamantalang makalaya si Jinggoy.

Ang reaksiyon ay kaugnay sa ipinahayag ni Atty. Raymund Fortun, spokesman at dating abogado ni Estrada na may mahalagang ipapahayag sa mga susunod na araw ang dating lider at isa na dito ay ang kinokonsiderang pagbabalik ng mga dating abugado.

Kabilang sa mga counsel de officio ni Estrada sina dating Sandigan Presiding Justice Manuel Pamaran at Attys. Irene Jurado, Noel Malaya at Prospero Crescini. (Ulat ni Malou Escudero)

ATTYS

DATING

IRENE JURADO

MALOU ESCUDERO

NOEL MALAYA

PANGULONG ESTRADA

PROSPERO CRESCINI

RAYMUND FORTUN

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

SANDIGAN PRESIDING JUSTICE MANUEL PAMARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with